Walang Hiya ka Talaga Rich

by Avandrea Zyvionthax
(Crossing Awang D.O.S. Shariff Kabunsuan)

Pakinggan mo.
Ito talaga ay para sayo
Gulong gulo? Ako rin gulong-gulo nung iniwan mo
Ayoko ng ganito.
Damang dama pa rin ang paglisan mo.
Tama naman ako.
Ika'y iiwan lang ako.
Umasa ako Sa mga pangako mong kinalimutan lang...
Dinala na ng hangin at hinayaan mo.
Minahal mo nga ako pero...

Puso mo ay natukso dala ng kalungkutan mo.
Mas pinili pa ang pagmamahal sa sarili
At ako'y biglang sabihan na iwan ka na.
Di man lang ako hinarap.
Ano ba problema mo!
Pinilit kong ngumiti pero umiiyak
Di mo alam ang dahilan mo ng paglisan mo
Pero ako... Alam ko
Dahil makasarili ang walang hiyang pag-ibig mo.

Dahan dahan pareha tayong binubura ng tadhana
Mali ba ang timing?
Alam kong iba na ang nasa mga mata mo
Ngunit ikaw ay mahal pa rin
Kahit ayoko nang umasa sayo
Hinayaan kitang hawakan aking mga kamay
Pero alam kong di ito para sa kamay mo
Pumikit nalang ako bakit pa sa manhid na tulad mo...

Puso mo ay natukso dala ng kalungkutan mo.
Mas pinili pa ang pagmamahal sa sarili
At ako'y biglang sabihan na iwan ka na.
Di man lang ako hinarap.
Ano ba problema mo!
Pinilit kong ngumiti pero umiiyak
Di mo alam ang dahilan mo ng paglisan mo
Pero ako... Alam ko
Dahil makasarili ang walang hiyang pag-ibig mo.

Bakit ba di nalang sinabing harapan sa akin?
Akala mo ba makakatakas sa kasalanang inisip mong di mo ginawa?
Ikaw nalang ba? Ikaw lang ba!!! Ang nagmahal sa atin dalawa?!

Mas marami ang iniyak ko... Mas maraming selos ang nadarama ko.
Mas minahal kita sa inaakala mo.

Puso mo ay natukso dala ng kalungkutan mo. (iba na naman ang minahal mo!)
Mas pinili pa ang pagmamahal sa sarili
At ako'y biglang sabihan na iwan ka na. (paano pangako mo?!)
Di man lang ako hinarap.
Ano ba problema mo! (Ano ba?! Ano ba?!)
Pinilit kong ngumiti pero umiiyak (ang sakit sakit!)
Di mo alam ang dahilan mo ng paglisan mo
Pero ako... Alam ko
Dahil makasarili ang walang hiyang pag-ibig mo.

Walang hiyang pag-ibig mo!!!
(Walang hiya! Ika'y napakawalang hiya)
Walang hiyang pag-ibig mo!!!
(Walang hiya! Ika'y napakawalang hiya)
Walang hiyang pag-ibig mo!!!
(Walang hiya! Ika'y napakawalang hiya)

Makasariling Walang hiyang pag-ibig mo...

Click here to post comments

Join in and write your own page! It's easy to do. How? Simply click here to return to Post Your Lyrics.